Alumni Testimony

Help Deserving Filipino Youth, Be our Partner

Nais ko rin pong pasalamatan ang lahat ng partner-companies ng Dualtech sa walang sawang pagsuporta sa mga scholars at pagbibigay ng mga kaalaman at karunungan sa pang technical na gawain. Sa paghubog ng ating murang isipan at pagmulat sa ating mga mata mula sa realidad ng buhay na ating mararanasan. Hinihiling ko po sa inyong lahat na mahalin natin ang ating mga trabaho at mga kompanyang pinagtatrabahuhan. Ibigay natin ang ating dedikasyon sa pagtatrabaho at wag kalimutan ang mga gawaing moral na ipinabaon satin ng Dualtech. Sila ang ating pag-asa sa ating kabuhayan at susuporta upang tayo ay mabuhay ng masagana.
JOHN CARLO ESPAÑOLA, Merit, Outstanding In-school and In-Plant, and Learning Excellence Awardee | Class Valedictorian | Trained and Employed at Triquint Asia LLC

Contribute to the Common Good - Be Dualtech!

abarca-cHindi ko inakala na makakarating ako dito sa ganitong posisyon. Pangarap ko lang naman maging factory worker noon. Pero nagbago lahat yan ng mag-aral ako sa Dualtech. Alam mo sa sarili mo na kaya mo. Kailangan mo lang ng knowledge at skills. Ang Dualtech ay hindi tungkol sa short-cuts. Pero kung gusto mong mapabilis ang natatago mong kakayahan, ’wag kang magdalawang isip sa Dualtech. -- Christopher M. Abarca | Psi Technologies, A49-1998

I Learned to be a Good Person

tucay-arielAno ba talaga ang pinakamahalagang itinuro sa akin ng DUALTECH? Para sa akin, hindi ang kakayahan na sa tingin ko ay matututunan ko din naman sa ibang paraan at lugar. Hindi rin ang kaalaman na alam kong maraming tao ang napahamak dahil sa sobrang karunungan. Para sa akin, tinuruan kami maging isang mabuti at masunuring anak sa aming mga magulang. Tinuruan maging mabuti, matapat, at mapagmahal na asawa sa babaeng makakasama namin habangbuhay. Tinuruan kaming maging isang mabuti at responsableng ama para sa pagpapalaki ng aming mga anak sa hinaharap. Samakatuwid, tinuruan kaming maging isang “MABUTING TAO”, na siyang maituturo namin sa mga taong nakapaligid sa amin.

Mr. Ariel Belmis Tucay, Batch Representative
In-school and In-plant Training Performance Awardee
Trained at NXP Semiconductors Cabuyao, Inc.

I Learned to Be Strong

mike-ruadoSalamat sa Dualtech ngayon ako ay isang matatag na tao. Hindi ko man ngayon maabot ang aking pangarap na maging magaling na chef. Naniniwala akong ang pagpasok ko sa Dualtech ay isang daan para maabot ko at mapagtagumpayan ang aking pangarap. Hindi ako nadismaya o nagsisi na ako’y napasok sa Dualtech bagkos taas noo kong dadalhin at ipagmamalaki na akoy “tatak Dualtech”. Dahil dalawa kami ng aking kapatid na napatunayan na malaki ang kayang iambag ng Dualtech sa buhay ng isang kagaya kong nangangarap. At gagawin ko ang lahat at hindi ako matitinag hanggat hindi ko naaabot ang aking pangarap at higit sa lahat, labis kong pinasasalamatan ang Diyos na siyang may gawa ng lahat ng ito. -- Mr. Mike S. Ruado, Trained and Employed at Amertron, Inc.

Two Years I Won't Forget

"Sa Loob ng dalawang taon dalawang bagay lang ang natutunan ko sa Dualtech. Una, Pagbabago... Ito ang isang bagay na hindi kayang tapatan ng kahit anumang yamang materyal o anumang salapi sa mundo.  Siguro bonus na lang ang mga natutunan ko sa aspetong teknikal.  Sabi nga nila mahirap baguhin ang nakasanayan na. Pero  sa tulong ng Dualtech nagawa ko at patuloy na nagsisikap na maging mabuting tao. Pangalawang bagay na natutunan ko sa Dualtech ay ang kung paano mahalin ang kapwa. Mahalin mo ang iyong sarili tulad ng pagmamahal mo sa iyong kapwa at mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa Diyos. Kung tunay mong mahal ang Diyos ay hindi mo siya sasaktan ganun rin ang dapat ang pakikitungo sa kapwa. Marapat na sila ay pasalamatan sapagkat hindi ka nag-iisa."   – Jomar Jose Fausto | Silver Merit and In-school Performance Awardee, Trained at Vishay Philippines, Inc.

Technical Course and Sure Employment

villy“Bukod sa technical course at sure employment na iniaalok ng Dualtech ay itinuturo rin daw nito kung paano ba talaga maging mabuting tao upang maihanda hindi lamang sa trabaho ngunit pati na rin sa aking personal na buhay sa hinaharap. Ang lakas ng dating sa akin noon dahil iyon talaga ang pangarap ko. Ang magkaroon ng maayos, masaya at simpleng buhay.”

Mr. Villy Ver Veneracion
Trained and Employed at NXP Semiconductor Cabuyao, Inc.
Gold Medalist for Merit, In-School Training Performance, In-Plant Training Performance, and Learning Excellence Awardee

Pages